<$BlogRSDUrl$>

Suntok sa Buwan 

Nakita ko
Na ang pag-ibig ko sa ‘yo
Ay suntok sa buwan

Subalit pwede ba?
Kaya bang abutin
Buwan na kay layo
Sa kalawakang maraming nakapaligid
Kung maaari ko lang pagsikapan
Paghirapang abutin
Basta maabot lamang
Ang pagkalayong buwan sa kalawakan
Suntukin ito
Nang magkatotoo
Ang pag-ibig ko sa ‘yo
Na suntok sa buwan

Ngunit imposible ba talaga
At hindi makakaya
Kahit anong gawin
Ay di talaga nakatalaga

Pwes bakit di na lang sana’y wala
Ang buwan na nagpasakit
Kung wala ka sana
Di na sana nagkaganito pa

Subalit huwag rin
Pagkat dulot mong liwanag
Ay mawawala rin
Kapag ikaw ay wala

Kaya’t diyan ka na lang
Minsana’y maaaring pagmasdan
Kailanma’y di man maabot
Liwanag mo nama’y aking kapiling

Sadyang hindi ako pangkalawakan
At kailanma’y di maaabot
Sadyang hindi talaga nakatalaga
Na aki’y maabot ka

Ako’y dito na at ika’y riyan
Anuma’y atin na lang bayaan
Wala rin namang kahihinatnan
Isang suntok sa buwan


- A. L. E. -