Tawid Bakod
“Ma, may lasa talaga tubig dito.”
“Dati pa naman ‘yan ganyan ha,” sagot ni Inay.
“Ano naman kung may lasa sa ‘yo,” sagot ko kay Tutuy.
“Nasusuka ako.”
“Class ka na ha,” biro ko.
“Hindi… nasanay na siguro ako… sa office kasi, purified water nandun, pati sa apartment ko dun.”
Galing Maynila kasi si Tutuy, nakababatang kapatid ko. Dun sya nag-college, tapos mga limang taon na sya nagtratrabaho dun pagkatapos. Sa simula, palipat-lipat, hanggang pumirmi na sya ng ilang taon sa call center. Pinaghirapan namin ni Inay na makatapos ng kolehiyo si Tutuy, katulong si Itay nung buhay pa sya. Nagpapadala naman sya regular sa amin mula ng nakapagtapos sya, pero hindi naman sobra laki… hindi naman milyones ang kinikita nya dun, wika nya. Matagal na syang nangako na kapag nagkabakasyon, uuwi sya sa amin. Mula ng nagkolehiyo e di na naka-uwi, sayang daw pamasahe nung nag-aaral pa sya, busy naman nung nagkatrabaho. Ngayon lang kami napagbigyan, kahit ilang araw lang ilalagi nya sa probinsya.
“Mayang, pakilabas na nga nung upo.”
“Opo,” sagot ko.
“Upo lang ang ulam?” tanong ni Tutuy.
“Oo,” sagot ko.
“As in, ganun lang?”
“Oo”
“Nakain ka naman nun nung bata ka ha,” tugon ni Inay.
“Ma, matagal na yun… napaka-unhealthy naman kung ganun lang kakainin natin… kulang sa nutritional benefits.”
Bakit naman si Inay, tumanda ng ganun lang ang mga kinakain, buhay pa hanggang ngayon.
“May Tuna ba dito? Bibili na lang ako sa tindahan ng Tuna, dagdag dyan…” sabi ni Tutuy.
“Meron, nasa pangatlong kanto yung tindahan.”
_______________________________________________
Tumunog ang cellphone ni Tutuy. Wala kaming cellphone ni Inay. Dito kasi sa baryo namin, kung kelangan mo kausapin ang isang tao, pupuntahan mo. Kung di mo naman datnan ay pwede mong ipagtanong. Sa liit ng baryo namin, lahat ng tao magkaka-kilala.
Pero malaki nga naman ang tulong ng cellphone. Pano kung yung kelangan mo kausapin ay nasa malayong baryo. Sayang oras sa pagpunta mo dun, pagod pa. E kung talagang importante pa man din ang pag-uusapan nyo.
Kinuha ni Tutuy yung cellphone at tiningnan
“Ano sabi?” tanong ko.
“Wala, forwarded joke lang.”

Habang naliligo si Tutuy, nagring ang cellphone nya.
“Ate, pakisagot nga.”
“Ano pipindutin ko?”
“Kahit alin, wag lang yung ‘C’.”
“Hello,” sagot ko sa cellphone.
“Hello, is this Tony?”
Si Tutuy. Antonio kasi tunay na pangalan. Kahit ako, Maya.
“Sorry, he’s taking a bath.”
“Oh, can you please ask him to call me back after?”
“Ok, what’s your number?”
“He can call me on the number I’m using.”
“Yes, but what is the number you’re using?”
Malay ko ba na nasa-save pala sa cellphone yung number ng tumatawag sa kanya.

“Hay naku, Inay, napakakulit talaga nyang anak nina Mang Bosyo. Kahit nga raw sa skul ay napakagulo nyan.”
“Maybe he just has ADD,” sagot ni Tutuy.
“Eh, ba’t naman pa-Ingles-Ingles ka pa; kanina ka pa, pare-pareho naman tayong Pilipino dito.”
“Ano naman, nakakaintindi naman kayo. There are just some things I can easier express in English. At work we’re required to speak in English, and I deal with a lot of foreigners.”
“Oh sya… ano naman yung ADD?”
“Attention Deficit Disorder. Yun yung may natural na deprensya talaga yung bata. Hindi naman nya kasalanan yun.”
“Ano ba yan, ang dami nyo namang palusot, ang dami nyong termino, basta dito magulo yung bata at kelangan disiplinahin. Ikaw din naman, napakagulo mo ng bata ka, wala pa namang ADD noon, dinisiplina ka lang namin, maayos ka naman ngayon…”

“Tutuy, bakit maputi ka na yata ngayon?”
“Gumagamit ako ng skin whiteners.”
“Ano ba yan, napakavanidoso mo naman…”
“Di naman ako katulad mo, maganda pagkamorena mo… Mukha akong Ita nung araw.”
“Eh ano naman masama kung mukha kang Ita?”

“Ate, bakit nga ba di ka pa nag-aasawa?”
“Wala akong magustuhan sa mga lalaki dito sa atin e.”
“Sa Maynila, marami!”
“Ganun?!”
“Ba’t di ka na lang sumama sa ‘kin sa Maynila?”
“Paano si Inay? Dadalawa na lang tayo e.”
“Sama natin.”
“Matanda na si Inay. Nandito lahat ng kaibigan niya. Kilala nya lahat ng kapitbahay. Nandito lahat ng kamag-anak natin.”
“Saka ano naman gagawin ko sa Maynila?” dagdag ko.
Di tulad ni Tutuy, di naman ako nakatungtung ng kolehiyo. Sabi ni Inay, babae naman daw ako. Pag nag-asawa daw ako, sa bahay lang din naman daw ako.
“E kung wala na si Inay?”
“Ano ka ba?! Wag ka ngang magsalita ng ganyan!”
“Hindi, halimbawa lang…”
“Malay mo, mauna pa ko kay Inay… lakas yata ng katawan ni Inay… O kaya makapag-asawa ‘ko dito… mahirap isipin yung mga bagay na ganyan… Kuntento naman ako dito. Masaya ako dito… pag inisip ko pa yung mga ganyan, malulungkot lang ako, baka umasa pa ako... Tingnan na lang natin… let’s just cross that bridge when we get there… sa ngayon, maging masaya na lang sa kung nasan tayo. Enjoyin kung ano man ang sitwasyon na kung nasan ka. Kasi dadating ang panahon, baka di mo na mabalikan yung sitwasyon na yon, di mo na ma-eenjoy yung sitwasyon na yon. Pag sumama ako sa ‘yo sa Maynila, malabo na ring bumalik ako dito… gaya mo siguro, pag magbabakasyon na lang paminsan-minsan… kaya habang nandito pa ‘ko, eenjoyin ko muna yung hangin, eenjoyin ko muna yung mga kaibigan ko, eenjoyin ko muna yung alam mo yung lahat ng nangyayari sa mga kapitbahay mo… kasi pag dumating man yung panahon, di ko na mababalikan yan… para pag dumating yung panahon at sumama nga ako sa Maynila, masaya din ako dun, at hindi ako maho-home sick… di ba?”

“Mag-iingat ka palagi ha,” sabi ni Inay. “Dumalo ka sa gawain tuwing linggo. Magbasa ka araw-araw ng Biblia mo.”
“Opo,” sagot ni Tutuy.
“Ikaw na bahala kay Inay ha,” paalala sa kin ni Tutuy.
“Oy, magbakasyon ka naman uli dito, baka naman abutin ka na naman ng isang dekada bago bumalik…”
“Sige… pag bumalik ako, may kasama na ‘ko!” sabi nyang nakangisi.
“O sya sige!” sagot ko ring nakatawa.
“Sumulat ka ng madalas ha,” paalala ni Inay.
“Kung may internet nga lang dito, kahit araw-araw pa tayo mag-chat…”
“May pa-chat-chat ka pang nalalaman, di naman kami marunong nun,” biro ko. “O sya sige na, sumakay ka na at paalis na si Mang Ambo, baka maiwan ka pa, hindi ka makakarating sa sakayan.”
“Sige po!” paalam ni Tutuy.
Alam kong masaya si Tutuy sa Maynila. Yun na yung buhay nya. Kaya masaya ako para kay Tutuy. Pero hindi naman ibig sabihin, lahat ng pupunta dun, magiging masaya. Masaya ako dito sa probinsya namin. May mga pagkukulang man, may mga wala din naman sa Maynila. Ang mahalaga masaya ka kung nasan ka. Bakit pa maghahanap ng iba.
-A. L. E.-