<$BlogRSDUrl$>

Wag Mo Kong Pagpayuhan 

Wag mo kong pagpayuhan
Nagkwekwento lang ako sa ‘yo
Makinig ka lang
At manahimik

Wag mo kong pagpayuhan
Hindi naman ako humihingi
Wag mong pag-isipan kung ano isasagot mo sa ‘kin
Dahil wala naman akong kailangang sagot sa iyo

Wag mo kong pagpayuhan
Sa tingin mo ba mas matalino ka sa akin?
Sa tingin mo ba di ko din kayang isipin iyang sinasabi mo?
Mas naiintindihan ko sitwasyon ko
Alam ko naman gagawin ko
Nagkwekwento lang ako sa ‘yo
Gusto ko lang maglabas ng nasa loob
Gusto ko lang may maka-alam

Wag kang singit ng singit
Di mo pa alam ang buong istorya
Di pa ko tapos
Pag tapos na ko
At kelangan ko ng opinyon mo
Saka ka magsalita

Wag ka munang magkwento
Mamaya pag tapos na ako
Pagbigyan mo muna akong
Maglabas ng nasa loob
At mamaya ikaw naman
Ang pagbibigyan ko

Kelangan ko lang ng kaibigan
Kaya nga kita kinekwentuhan
Kasi tiwala ako sa ‘yo
Na di mo mamasamain ang sinasabi ko
Na tiwala ako sa ‘yo
Na alam mo ang tunay na laman ng puso ko
Na kelangan ko lang maglabas panandali ng nasa loob
Sa iyo
Kasi nga
Ang tingin ko sa ‘yo kaibigan
Kasi nga
Tiwala ako sa ‘yo
Na di ako mapapasamà sa iyo

Wag mo kong pagpayuhan
Manahamik ka lang
Umunawa
At makinig





- A. L. E. -