<$BlogRSDUrl$>

Ganid 

Social worker ako nun. Bagong destino. Dun ko nakilala si Marites. At ang kapatid nyang si Junjun. Pareho silang teen-ager noon. Anak-maralita. Parehong buto’t balat. Nakakaawang tingnan.

Ina lamang ang kasama sa bahay dahil ang ama ay nakakulong. Malimit nilang dinadalaw. Lasinggero at basagulero. Di ko alam na doon pala ang problema.

Parehong di na makapag-aral ang dalawa dahil kapos, sinisikap na lang ng mag-iina na buhayin ang mga sarili sa munting mga trabaho, maliit ang kita pero disente.

Malimit kong makita si Marites na umiiyak, tumatahan na lang pag nakikitang ako pala. Di naman niya inaamin sa akin kung bakit. Di na lang din ko nagpupumilit sa pagtatanong. Di ko alam ang gagawin.

Pinilit kong gumawa ng paraan para mapag-aral man lang kahit isa sa kanila. Salamat sa Panginoon, naipasok ko si Junjun sa pamamagitan ng isang scholarship. Masaya ang mag-iina sa pag-asang hinatid nito sa kanilang bunso.

May talento pala sa iskultura si Junjun. Sa tulong ko at ng kanyang mga guro, lalo pang nahasa ang kanyang galing. Hanggang sa dumating sa punto na nakasali siya sa isang prestihiyosong paligsahan ng mga baguhang iskultor. May laban naman kasi. Masayang-masaya ang bata dahil ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng bagay na maipagmamalaki. Sa lalim ng tuwa, ninais niyang iparating sa ama ang balita.

Sa araw ng kompetisyon, kulang sa isang oras lamang bago ito magsimula, dumalaw sa bilangguan si Junjun kasama ang ina. Di ko maintindihan sa bilangguang iyon, pano nangyari na kapag may dalaw ang isang preso ay maari silang pumunta ng kanilang dalaw sa isang sulok doon na tago at walang nakakakita.

Ang ina, tuluyang pinaglipasan na ng ganda sa sakripisyo ng pagtratrabaho para buhayin ang pamilya, ay nakatayo lamang sa gilid sa bandang likod ng asawa.

Habang nagkwekwento si Junjun ay bakas na bakas sa mukha nito ang galak kaya kahit buto’t balat pa rin ay makikita pa rin ang kabataan nito. Ang ama naman na ubod na ng payat at itim at pantalon lamang ang suot ay tila may iniisip.

Matapos ipahiwatig sa ama ang sayang nararamdaman, na sa ilang minuto na lamang ay kailangan na nyang pumunta sa kompetisyon upang personal na ipakilala at ilaban ang iskultura, ay niyakap siya ng ama. Hinalikan siya ng ama, sa pisngi,… at tapos sa labi. Medyo may gulat si Junjun, pero ang totoo sanay na siya. Ganun din ang kanyang ina. Kaya hinayaan lang nila pareho. Marubdob ang paghalik nito. Habang nakayakap pa rin, pinihit niya ang anak upang ito’y tumalikod sa kanya. Bumakas sa mukha ni Junjun ang gulat at takot. Alam niya ang nais ng ama. Habang binababa ng bahagya ng ama ang kanyang pantalon ay umiiyak na nagmamakaawa si Junjun, sinasabing kelangan na niyang pumunta sa paligsahan kundi, di siya maisasali. Ang ina naman ay wala ding magawa kundi humawak lamang sa asawa at umiiyak na magmakaawa. Matagal na rin naman niyang alam iyon. Matagal na ring ginagawa sa mismong harap niya.

Tila walang naririnig ang ama. Totoo nga na pag nagtagal si Junjun sa lugar na iyon ay mahuhuli siya sa paligasahan at di na siya maisasali. Pero walang pakialam ang ama. Walang pakialam sa pangarap ng bunso. Walang pakialam sa kinabukasan ng anak. Ang pakialam lang ay mairaos ang pagnanasa nito. Nalaman ko na matagal na pala niya itong ginagawa. Ang kamunduhan ng ama ay kelan man di niya pinigilan. Kaya’t walang di pinatulan ang pagkaganid nito sa laman. Ganun pala pag ganid. Ganun pala pag binigyan mo ng laya ang lahat ng kamunduhan na maramdaman mo. Walang sinasanto. Walang pinipili. Kaya pala may pumapatol sa kahit kanino. Kaya pala may nagbabayad. Kaya pala may pumapatol sa kahit ano. Kahit kauri mo. Kahit bata. Kahit wala pang malay. Kahit mamwersa. Hanggang sa ultimong anak na ang pinagbuntunan ng pagkaganid nito. Una si Marites. Tapos pati si Junjun.

May pagkagulat pa din si Junjun sa ginawang panghahalay muli ng ama. Mapait na umiiyak ito na nagmamakaawa. Sinisisi nito ang sarili; bakit pa kasi siya dumalaw sa ama ng araw na iyon. Bakit ba palagi pa nyang dinadalaw ang ama. Bakit ba ito pa ang kanyang naging ama. Bakit walang magawa ang ina.

At walang nakapigil sa pagnanasa ng ama. Dahil walang pumigil. Maliban sa araw na iyon…

Nakakulong na ngayon si Marites. May poot pa rin sa dibdib. Di ko alam kung pano niya naipasok ang patalim sa bilangguan.

Di ko na alam kung nasaan na si Junjun. Hindi na nga siya nakahabol sa paligsahan. Nasayang ang pangarap.

Nag-iisa na ang ina sa bahay. Nagtratrabahong nakatulala.

Palagi kong iniisip, ano kaya kung ako ang nakatagpo sa mag-ama ng ganun. Kung alam ko lang.