<$BlogRSDUrl$>

Di Makatingin 

Minsan
Pag nakikita ka
Iniiwasan kita

Kahit kausap na
Di kita matingnan
Sa iyong mga mata

Baka
Natatakot
O kaya
Nag-aalala

Na mahalata mo
Na iniisip kita

Na nakita ko
Sa iyo
Ang mga
Hinahanap ko

At kahit nakita ko
Sa iyo
Di naman ako
Makatingin
Dahil baka
Makita mo
Sa mga mata ko
Ang nasa
Loob ko

Pero ngayong nasabi ko na
Pipilitin ko na
Na kapag kausap ka
Ay tumingin sa iyong mata

Dahil baka iyong mahalata
Na dahil di ako makatingin
Na ang tinutukoy ko
Ay ikaw nga

Pipilitin kong
Makipagtitigan
Kahit sa totoo lang
Ito naman
ang gusto ko

Pero habang nakatingin
Sa iyong mukha
Sa iyong mga mata
Iniisip ko pa rin
Na ang nasa loob ko
Ay huwag mo sanang mahalata

Na habang ikaw ay nakatingin
Ay huwag mo sanang makita
Sa aking mga mata
Na ang hinahanap ko
Ay nakita ko
Sa iyo





- A. L. E. -