Singkwenta Sentimos at ang Mamang Drayber
[Written while the jeepney fare was still 5.50]
Ang singkwenta sentimos at ang mamang drayber. Bow.
Pinababa ba naman ako sa jeep na sinasakyan ko kanina. Sabi sa ‘kin ng drayber kung kulang daw pamasahe ko ‘wag daw akong sumakay ng jeep. E eksaktong limang piso na lang ang pera ko. Pa’no ba naman, nung sumakay ako ng jeep kanina, anim na piso binayad ko, ‘di na ko sinuklian. Ang labo.
Sabi ng kabarkada ko, meron daw drayber, pag kinukuha mo sukli, parang walang naririnig. Pero kapag nagbayad ka, lilingon at lilingon kahit halos mabangga.
Saka baligtad na panahon ngayon. Noon, tao pumapara sa jeep. Ngayon, jeep na pumapara sa tao. Kahit di mo pinapara, titigil at titigil sa harap mo. Kahit tatawid ka lang. Ang lagay, humarang pa sa daan mo. Pag pasahero ka ng ganung jeep, lalong nakakainis. Nagmamadali ka na, tigil pa ng tigil, wala namang pumapara, wala ring sumasakay. Kulang na lang pati yung basurahan hintuan at tanungin ng drayber, “Saan ka?” Kung ganun, baka biglang sumagot yung basurahan, “Hindi, dito lang ako. Lumayas ka sa harapan ko.”
Saka ‘di ba may student / elderly / disabled discount? Binibigay ba talaga yun ng drayber? Alam ko lang na gumagawa ng ganun ‘yung papuntang U.P., sa L.B. Pag nagsabi ka ng, “Mama, bayad ho, isang estudyante.” Pero bakit wala yata akong naririnig na, “Mama, bayad ho, isang may kapansanan.” O kaya, “Mama, bayad ho, isang estudyante, isang matanda, at isang bulag.”
Saka kahit punong-puno na yung jeep, bakit umaasa pa ‘yung mga drayber na sasakay ka pa rin. Buo naman ibabayad ko, bakit kalahati lang ng puwet ko papaupuin mo.
Minsan naman, kahit nagbayad ka, magpaparinig ng magpaparinig ang drayber ng “kung sino yung di pa nagbabayad, paki-abot na ho.” Feeling guilty ka tuloy kahit nagbayad ka naman, at pag-iisipan ka pa na ganung klaseng tao ka ng ibang mga pasahero. Kung di maniniwala ang mga drayber, bakit di na lang din kaya sila magbigay ng resibo.
Saka bakit minsan, kahit nakatayo lang kayo ng kasama mo sa tabing-kalsada, at halos mangiyak-ngiyak na yung kasama mo sa lalim ng pinag-uusapan nyo, e bigla na lang kayong gugulantangin ng traysikel drayber, “Saan kayo?” Minsan, gusto ko na ring sagutin, “Kilala ba kita? Bakit mo ko tinatanong? Pauwi na ko, bakit? Close ba tayo?” Minsan naman, pag tinawag ka, “Tricycle o!” Minsan gusto ko namang sagutin yon, “Oo, alam ko, nakakita na ko nyan.” Kung magtanung sila akala mong ikaw pa babayaran pag sumakay ka. Pero pag papunta ka sa alanganing lugar at di type ng mga drayber na ihatid ka dun, pag pinara mo, “Mama, sa Kalye Burubudur?” e di ka man lang sasagutin. Snobbish!
Saka wala na ring punto na tanuningin pa mga drayber, “Paalis na ho ‘yan?” kasi lagi naman nilang isasagot, “Paalis na!” Ang definition na pala ngayon ng paalis na, aalis na matapos ang dalawampung minuto.
Bakit naman kasi may putal pa pamasahe. Bakit kasi ‘di na lang ineksektong limang piso, bakit five-fifty pa.
Ano pa ba naman kasi halaga ng singkwenta sentimos ngayon. Isang kendi? Hindi rin, tatlo dalawang piso na ngayon. At kung may makita ka man na kendi na singkwenta sentimos isa, nakakahiya naman yata kung pagtanong mo, “Ale, magkano ho kendi?” “Singkwenta” “Pabili nga ho ng isa.” Baka murahin ka pa ng tindera at ginising mo siya sa pag-idlip.
Saka wala na namang singkwenta sentimos na buo. Kelangan dalawa bentesingko mo. Magkataon na malaglag pa yung isa, e kulang pa rin pamasahe mo.
At ano din ba nabibili ng bente singko ngayon? “Ale, magkano ho Coke?” “7.25”
At sino ba ang henyong nakaisip na gawing magkasukat ang limang piso at ang sampung pisong barya. Pag dumukot ka sa bulsa mo at magbabayad ka ng limang piso e mapagkakamalan mong limang piso ang sampung piso mo, at napakapalad mo kung makatagpo ka ng butihing nilalang na susuklian ka pa. “Mama, sampung piso ho ‘yun.” “Ah, sampung piso ba ‘yun!”
Pero balik tayo sa pamasahe. Bakit nga ba five-fifty pamasahe, at hindi man lang umeksaktong limang piso? Hindi ba, bago mag-five-fifty, apat na piso lang pamasahe? At kung hindi ako nagkakamali, bago magkwatro, e tatlong piso lang pamasahe. At bago nun, e two-fifty lang. Aba, incremental! Ibig sabihin ba nun, sunod na magtaas pamasahe, seven-fifty na? Dalawang pisong dagdag! Mukha bang sobra? Mali nga yata ako. Kasi rinig ko sa balita, ang hinihingi nilang dagdag, 2.50!
Parang naaalala ko din, nung tatlong piso pa lang ang pamasahe, ang hinihingi ng mga transport group ay itaas ng four-fifty ang pamasahe. Pero apat na piso lang inaprubahan ng gobyerno. Sobra nga naman yung hinihingi ng mga drayber nun. Alanganin. Pero syempre may pasobra, para kapag ang inaprubahan ng gobyerno ay mas mababa sa hinihingi nila, may reklamo pa rin sila, kahit nakuha na din naman nila yung gusto nila. Kaya pala 2.50 naman hinihingi nila ngayon.
Nitong kwatro na ‘yung pamasahe, hiningi nila na mag-five-fifty pamasahe. Di ba, mukhang pasobra uli, at parang ine-expect yata nating lahat e limang piso lang aaprubahan. Bakit binigay ng gobyerno yung five-fifty?
Di ba, nung huminging itaas uli yung pamasahe, mag-eeleksyon nun. Presidential elections ng 2004. Ayos din namang tum-iming ang mga ito. Kaso pag inaprubahan agad ng gobyerno, magagalit ang mga botista dahil magtataasan lahat ng bilihin pag tumaas ang pamasahe. Kaya, siguro, pinakiusapan ng gobyerno na wag munang humiling ang mga transport group hanggang di pa nag-eeleksyon, pero promise nila na pag nanalo uli ang namumunong gobyerno ay siguradong aaprubahan nila ang eksaktong hinihingi ng mga ito. At nanahimik nga. At nanalo nga. At binigay nga.
Kawawang mamamayan, ginawang bargaining chips. Sinakripisyo para sa mga may pansariling interes.
-A. L. E.-